Sumalang ngayong araw, September 29, ang 25 barangays sa ikalawang batch ng Comprehensive Barangay Juvenile Intervention Program (CBJIP) Formulation na layong makabuo ng three-year plan para mapababa at tuluyang maiwasan ang mga kaso ng Children in Conflict with the Law (CICLs) at Children at Risk (CARs) sa bawat barangay.

Dumalo sa formulation ang mga punong barangay, Committee on Women and Children, SK chairperson, at barangay secretary mula sa 25 kalahok na barangay.

Nagsilbing resource persons sina Ms. Maneth Lagaras at Sylwin Myles B. Baccol ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Samar.

Magtatapos ang dalawang araw na formulation bukas, September 30, kung saan inaasahang mabubuo ang kani-kanilang three-year intervention plans ng mga kalahok na barangay.

Nauna nang isinagawa ang unang batch ng CBJIP formulation noong September 14–15, na nilahukan din ng mga kinatawan mula sa mga barangay ng munisipyo.

Views: 31