Kahapon lamang ay ginunita ng buong Pilipinas ang National Heroes Day.

Sa buong buwan ng Agosto, kasama ng ating mga doktor, midwives, nurses at staff ng RHU Paranas, DOH nurses, Barangay Health Workers (BHWs), kasundaluhan, at mga barangay officials, sama-sama nating hinarap ang hamon na mapanatiling ligtas at malusog ang ating mga kabataan laban sa tigdas at rubella.

Narito ang ilan sa mga larawang kuha matapos ang pagbisita ng RHU Paranas sa Anagasi at Pagsang-an para sa pagpapatupad ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) noong Agosto 26.

Kinabukasan, isinagawa naman ang consultation para sa mga taga-Anagasi bago muling bumaba sa Pagsang-an upang ipagpatuloy ang MR-SIA.

Kasama rin sa nasabing aktibidad si Hon. Hector Joseph Araza, SB Member – Committee on Health and Sanitation.

Sa likod ng bawat bakuna ay mga bagong bayaning handang maglakbay, maglaan ng oras, at maglingkod kahit saan pa man sila dalhin ng kanilang tungkulin.

Saludo kami sa ating mga bagong bayani! Maraming salamat sa inyong walang sawang paglilingkod para sa kalusugan, kaligtasan, at kinabukasan ng ating mga kabataan.

Views: 29

More photos at The Official Facebook Page of The Municipal Government of Paranas, Samar