
Paranasnon, may libreng training para sa iyo!
Kung interesado kang matuto ng carpentry at magkaroon ng kasanayang maaaring makatulong sa iyong paghahanapbuhay, ito na ang pagkakataon mo!
Katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Paranas, hatid ng St. Isidore de Labrador Technical School Inc., ang 20 slots ng FREE CARPENTRY NC II SCHOLARSHIP TRAINING.
Ihanda ang mga sumusunod:
- 3 photocopies ng School Report Card o Transcript of Records (TOR)
- 3 photocopies ng Certificate of Live Birth mula sa PSA/NSO
- 3 photocopies ng Certificate of Indigency
- 3 pcs. passport-size ID photos
- 3 pcs. 1×1 ID photos
Kumpletuhin ang requirements at dalhin ang mga ito sa oras ng registration.
Magparehistro sa PESO Desk, 3/F Municipal Executive Building hanggang sa Martes, Agosto 18, 2026.
May tanong? Mag-message sa page na ito, tumawag sa 0906 709 0041, o bisitahin ang PESO Desk at hanapin si PESO Manager-Designate Bobles Lauzon.
Baka ito na ang kasanayang magbukas ng panibagong oportunidad para sa iyo.
