

Aktibong inilalapit ng PESO Paranas ang National Skills Registration Program sa mga Paranasnon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng on-the-ground registration sa Municipal Compound.
Pinangunahan nina PESO Manager-Designate Bobles Lauzon at PESO staff Romeo Gabuya ang pamamahagi at pangangalap ng registration forms mula sa mga job seeker at contractual employees.
Sa pamamagitan ng NSRP, naitatala ang mga impormasyon tungkol sa skills, training, work experience, at iba pang kwalipikasyon ng mga naghahanap ng trabaho.
Ang mga impormasyong ito ay ilalagay sa PESO Employment Information System (PEIS) upang makatulong sa pagtutugma ng mga job seeker sa mga available na oportunidad sa trabaho.
Kung ikaw ay job seeker at nais makapagparehistro, hindi mo kailangang maghintay ng job fair para makapagsimula.
Bisitahin ang PESO Paranas sa 3rd Floor, Municipal Executive Building, Paranas, Samar, at magparehistro sa National Skills Registration Program.
Irehistro ang iyong skills. Palawakin ang iyong oportunidad.









